Tuesday, August 12, 2008

INVITATION

CHSAA Members


Pagbati ng Kapayapaan!

Malugod ko pong ipinababatid sa inyong lahat na ang ating blogsite ay ginawa para sa ating mga nais maiparating sa ating mga kaibigan, kakosa, ka-batch, at kapwa alumni ng CHS.

Nais ko pong imbitahan ang lahat ng mga alumni ng CHS na magbigay ng kanilang mga mensahe, mga maikling kwento, o kahit na tula, mga balita at impormasyon na may kinalaman sa ating mga kapwa alumni at i-post dito sa ating blogsite.

Wag kayong mahiyang mag-post. Ito po ay para sa ating lahat.

Salamat po!


Moderator

1 comment:

Camarin High School Alumni Association said...

mga bagay na hindi papayagang ilathala sa blogsite na ito:

1. mensahe na may inaalispusta, inaaway o masasamang salita
2. mensahe na may ibinibentang kung anong bagay (bawal ang free advertisement, pwede kung may kinalaman sa fund raising ng organisasyon)
3. mensaheng may kinalaman sa pulitika o pamumulitika (tayo po ay mga malalayang mamamayan pero dapat din nating alamin ang ating mga limitasyon at responsibilidad)
4. bawal ang mga chain messages (parang awa nyo na)

Powered By Blogger