Saturday, August 29, 2009

CHSAA met with former Cong. Baby Asistio, former Mayor Rey Malonzo and Kap. Along Malapitan


29 ng Agosto, 2009

Ang mga opisyal at miyembro mg Camarin High School Alumni Association (CHSAA) sa pangunguna ng Presidente na si Jhecy Rebete ng batch 1984 at Bise-Presidente Arturo Cuabo Tiro Jr. ng batch 1997, ay nakipag-pulong ngayon sa mga dating lider ng lungsod Kalookan na sina Congressman Luis Baby Asistio, Mayor Rey Malonzo at kasalukuyang Kapitan ng Barangay 127 na si Along Malapitan (anak ni Congressman Oca Malapitan) sa tahanan ng dating Kapitan ng Barangay 175 Ireneo Cayetano (na isa ring alumni) sa Camarin Caloocan City . Ang pulong ay isinagawa upang pag-usapan ang " Balik-Paaralan Campaign" na inilunsad noong Hulyo 2009. Alinsabay ng nasabing kampanya, inilunsad din ang isang raffle draw na gaganapin sa ika-12 ng Disyembre 2009, alas-3 ng hapon sa Camarin High School covered-court. Pagkatapos ng raffle draw, isang Alumni gathering ang gaganapin sa gabi.

Ibinahagi ni Bb. Jhecy Rebete ang simulain ng CHSAA, kung paano ito nabuo at anu-ano na ang mga naging aktibidad mula ng ito ay nabuo. Sinabi rin niya kung ano ang layunin ng pulong na ito at bakit inimbitahan ang mga nasabing panauhin. Ang proyektong Balik-Paaralan ay isang paraan upang iparating sa mga alumni ng CHS na naging isang instrumento ang CHS sa buhay ng bawat isa at ngayon ang tamang panahon upang balikan ito at tulungan ang mga kapwa mag-aaral ng CHS. ang proyekto ay naglalayong magpatayo ng isang Alumni Excellence Center na may tatlong palapag kung saan ilalagay ang isang resource center at e-library sa pamamagitan ng raffle draw.

Si Kap. Ireneo Cayetano naman ang nagpakilala sa mga naging panauhing pandangal. Sa kanyang pagpapakilala, ibinahagi niya ang ilang mga kwento ng pagsisimula ng Camarin High School.

Sa mensahe naman ni Cong. Baby Asistio, natutuwa siya at humahanga sa proyektong inilulunsad ng grupo. Sinabi rin niya na naniniwala siya sa edukasyon at ito ay makakatulong upang magkaroon ng magandang bukas ang mga kabataaan. Ipinahayag rin niya ang suporta niya sa proyektong ito ng CHSAA.

Ipinaliwanag naman ni Bise-Presidente Hunter Tiro ang mga mechanics ng raffle draw na gaganapin sa Disyembre ang humingi ng patuloy na suporta ng iba pang mga alumni para sa ikatatagumpay ng proyekto.

Naging makabuluhan ang pagpupulong na ginanap dahil naroon din ang mga Kapitan ng kalapit barangay na sina Kap. Felipe Alday ng Barangay 1798t Kap Jim at Kagawad ng Baraangay 175 na nangakong magkakaloob ng mga pa-premyo para sa raflle.

Ang mga alumni na nagsidalo ay ang mga sumusunod:

Jhecy Rebete - batch 84
Arturo Hunter Cuabo Tiro Jr - batch 97
Gigie Zafra - batch 75
Janette I. Serrano - batch 92
Violeta E. Lim - batch 75
Floro de Ocampo - batch 70
Rosario R. Rios - batch 78
Cristina T. Cruz - batch 90
Estrellita R. Mateo - batch 77
Lolita S. Panero - batch 77
Vernalyn V. Bueno - batch 77
Teresita Palayon Sandoval - batch 76
Marilou S. Suarez
Milagros E. Nemis - batch 77
Anacleto C. Cayetano Jr. - batch 84
Gay Climaco - batch 77
Clarita Buladas
Antonina Magbiro-Crisostomo - batch 77
Virginia B. Tabalanza - batch 77
Eduardo Q. Tabalanza - batch 84
Danilo David - batch 84
Maricel Balite - batch 99
Jona Agusila - batch 99
Angie Nicasio - batch 76
Gloria B. Pajarito - batch 76
Kap. Ireneo Cayetano

No comments:

Powered By Blogger